Friday 17 February 2012

Tatlong Mukha ng Mundo

By: Jorgin De Jesus

Thursday 16 February 2012

Nakalimutang Pangarap

Sa paglipas ng panahon
Sa pagbabago ng taon
Sa pagtanda ng kahapon
Andito pa rin di naglaon
Inaakalang naka-kahon
Naghihintay lang umahon
Lalabas sa pagkakataon
Pag-alis ng mga nakabaon
Natabunan na ng ilusyon
Eto lang pala ang solusyon
Ang bumalik sa tugon
Ng pusong naghahamon
just remembering (English version)
http://expressions-rajah.blogspot.com

Wednesday 15 February 2012

TULALA

Minsan parang wala sa hulog
Walang kibo animo tulog

Sa balintataw Lilitaw Lulubog
Sa imahinasyon Inihuhubog

Thursday 9 February 2012

TADHANA

Nakasalalay ba ang buhay sa  tadhana?
isa ka ba sa mga taong naniniwala?
 walang gagawin at dito na lamag aasa
dahil nananalig sa hatid nitong hiwaga

Ang tadhana para sakin ay ibat-ibang daan
mga tatahakin na iyong pagpipilian
sa dulo may matatanaw na kayarian
nakasalalay saiyo ang kahihinatnan

Tayo ang guguhit ng ating kapalaran
tayo ang magdidikta ng dapat kalagyan
hindi man ito sakto sa ating mga plano
makukukuha rin ang dapat sa iyo

Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
sa atin ang aksyon gabay nya ang ginhawa
walang mangyayari kung ikaw ay tutunganga
Bagkos kumilos ka  ng mayroong  mapala

Wednesday 8 February 2012

MOKOY


Mayroon akong alaga
  isang asong di mataba
Buntot niya ay mahaba
  Maliit  hugis ng mukha

Oo, hindi nga siya cute
 mukha daw  nakakacute
hindi man sya malaki
tahol naman nya'y higante

Kakaiba ang pangalan
hindi pangkaraniwan
pati gawi ay madalang
pambihira ang tawagan

Ok lang sa kanya buto
Hindi pihikan kahit ano
huwag lang daw ang damo
hindi sya adik sa kanto

Yaman syang taongbahay
maasahan isang Bantay
 ang tulad nya ay kulay
sa  tahimik naming buhay

STRESS

Andyan ka na naman 
takot nararamdaman
kainis bakit ganyan
ng ikaw ay nasilayan

SA MULING PAGKIKITA

Kung darating ang tadhanang mapaglaro
hindi sinasadsyang  muling magkatagpo
ikaw ba nga ay lilingon o lalayo?
sadyang mananatiling walang kibo?

Ang sabi ng marami maliit lang ang mundo
walang permanente kundi pagbabago
ikaw ba ay mananatili sa anyo
ng iyong damdamin na galit ang bugso?

Tuesday 7 February 2012

LASON

Isang pangitaing nakakabahala
sa una parang wala, hindi halata
katahimikan pala'y nakakasira
mga katauhan unti unting nabubura

Sa mga panahong alita'y tumatagal
di pagkikibuan lalong tigib sakdal
napapalitan ng ngisi at singhal
pagkat mga damdamin  ay nabubuwal

Ano ang magiging ampat sa mga sugat
sa lason sa pagitan nito nakakaangat
paghingi ba ng tawad maaring isukat?
upang ang nagdurong puso ay maawat?

Friday 3 February 2012

KARAMDAMAN


Ang kahirapan ay tila isang karamdaman
Isang karamdaman na walang ng kalunasan
Isang karamdaman nagkalat sa sambayanan
At itoy naka-ukit  sa ating kasaysayan.

Sino magpapatunay tayo’y nagyayaman
Kung ang tinatamasa ay ang hapdi ng tiyan
Nawa ay mabatid ng ating pamahalaan
Ang tunay na sakit ng ating mga mamamayan.




Mga Araw at taon nasa atin ay nagdaan
Ngunit pagbabago ay di man lang maramdaman
Sino nagsabi nasa tuwid na tayong daan?
Kung ang mga mambabatas ay meron mga alitan.

Mga pag-aaway hindi na nila maiwasan
At ang mga pinuno na nagpapalaki ng tiyan
Yaman ng ating bayan Kanilang kinamkam
Mga pinuno ng bayan di na dapat asahan.

Ang uhaw at gutom di na kaya mapapawi
Kung ang mga pinuno natin lahat pakunwari
Tila isang unos nasa atin ay nagdaan
Itong karamdaman na nasa ating bayan.

 By Jorgin Dejesus

Thursday 2 February 2012

Nang Dahil Sa kanya

Kaibigan bakit kanagkaganyan
Iyong sarili ngayon pagmasdan
Lahat ng tao sa iyo nawalan
Dating tiwala at kabutihan

Paano ba naman iyong sinat
Dapat sya nga itong tumumtulong di ba?
ngunit bakit parang ikaw ay mag-isa
at sayo nakakpit ang iyong kapareha

Walang duda mahal mo sya
hindi naman matatangi naawa ka
lahat n nga lang iyong binigay
pati ata aso ng kapitbahay

Minsan ba sya ay natanung mo?
Tunay nga ba at walang halong biro
pagsinta ba talaga ay sadyang totoo
o andyan lang dahil may kainagan sayo?

Kung tunay nga saiyo sya ay nagaalala
bakit palaging may luha sayong mga mata
walang ginawa parati na lang aligaga
iyong isip baka ang sinta naroon sa kabila


Sa sarili mo ba ika'y walang bait
di ka ba pwedeng maghanap ng kapalit
ng taong magbibigay sayo ng daigdig
walang bahid buo ang pag-ibig?

Wednesday 1 February 2012

Ikalawang Buwan @@@@@

Ikalawang Buwan

Salamat sayo Enero!
Halika na Pebrero
Hanapin si Kupido
Panain ang puso ko!

PEBRERO

Dalawang libo't  labing dalawa na
kaybilis ng panahon bakit nga ba?
Pebrero nga ay  humahalimuyak
Ang bawat puso ay  puno ng galak

Mayroon ding nanaghoy  umiiyak
Sila daw ay sawi at walang kabiyak
ok lang yan inday! wag umiyak
makakahanap ka rin yan ang tiyak



('_')

Makakalimutin- Ikalawang yugto

Nalimutan ko na naman sya
Ano ba yan nakakainis na!

Naalala ko lang sya bigla
 habang nasa jeep nakatulala

Bukas na lang ulit..................
sana  wag maulit.....................