Saturday, 31 March 2012

INSOMIA



Gabi, nahihimbing at tahimik ang lahat
Inaantok ngunit ang diwa ay mulat
Nakahiga naglalaro walang awat
Ang iniisip kay lalim parang dagat

Itong munting kaluluwa’y nanghihingi
Ng katahimikan sa gitna ng gabi
Ngunit gunam gunam lalong tumitindi
Dito sa imahinasyon sumasagi

INSOMIA



Gabi, nahihimbing at tahimik ang lahat
Inaantok ngunit ang diwa ay mulat
Nakahiga naglalaro walang awat
Ang iniisip kay lalim parang dagat

Itong munting kaluluwa’y nanghihingi
Ng katahimikan sa gitna ng gabi
Ngunit gunam gunam lalong tumitindi
Dito sa imahinasyon sumasagi

Friday, 16 March 2012

SA ISIPAN

Minsan ang buhay magulo mahiwaga
May oras akala mo ikaw ang tama
Akala mo myr0on yun pala wala
Isip ng isip di naman mahalaga
Di napapansin palaki ang  problema

Pilit ang paglayo hinabol ka naman
kahit halata na nga pinagtataguan
O baka naman yan lang ang nasa isipan
Di mo napapansin sa paglalarawan
imahinasyon ika'y napaglalaruan

Friday, 2 March 2012

Bugso ng Damdamin

Minsan bumibitiw dahil sa galit
Hindi ninanais na makakasakit
Sa oras na may maling nasambit 
Hindi na mababawi kahit anung pilit
Lalo na kung puso ang nasugatan
Patawad parang hindi napakikingan
Mga salita di na napagiisipan
Sa bandang huli ang kahihinatnan
Mga damadamin naiiwang sugatan

Thursday, 1 March 2012

Naisip kita BIgla -KAIBIGAN

Natandaan mo ba noong tayo magkasama
Kapag sa kalsada sabay mga tayong pumapara
Naghahanap masasakyan kahit pa  punuan
Kahit minsan sa loob wala ng upuan, siksikan

Kapag rally at walang mga jeep na matatagpuan
Sabay pa rin ang lakad kahit sapatos mabutikan
Kahit nga baha natututong suongin lakbayin
Lalo kapag maulan, isang payong ang tangan

Sa lahat ng pinagdaanan, nakakatuwang tignan
Maliit na pagsubok bakit kaya di nakayanan
Anu kayang pumipigil sa damdamin upang balikan
Ang mabuti at masayang pagkakaibigan?