Friday, 25 May 2012

Katulad ka ba nila?

Mahirap maniwala at tumugon sa tama
Kung sa paligid mo ay mali ang ginagawa
Pangkaraniwan na ang mga salita't  kataga
"Ganun talaga wala na tayong magagawa"

Sa sarili naitanong, kailangan bang sumabay
O kaya may tapang salubungin ang kilay
Maging bayani di kilala o bangkay
Dahil sa kinagawian  maraming sumasakay

Hindi ko man kayang baguhin ang sistema
Kaya ko rin naman di maging bahagi diba?
Dahil sa sarili alam ko, may ibang paraan
Kahit maging iba, wag lang maging tulad nila



Monday, 16 April 2012

BIGLA NA LANG

Nagulat ako ng marinig at malaman
Kayong dalawa ay nagkatuluyan
Sa loob ng maraming taon
Bigla na lang nagkalimutan
Wala bang alaala sa iyo naiwan

Bakit kaya may taong ganito
Akala mo kilala ang pagkatao
Hindi pala parang balat kayo
O hindi lang talaga kabisado
Kung pano pagiisip ay tumatakbo

May mga katanungan naglalaro
Sa tuwing maghihiwalay ang puso
may mga kaparehang malilito
ilang beses man kulitin at alamin
Sadyang may pusong sinungaling

Ngayon natutunan sa nakaraan
Sadyang may mga katanungan
Mukhang lihim ayaw iapaalam
Hindi lang pansin kung meron man
Andyan na pala nasaiyo ng harapan
Nagbubulagbulagan ayaw mong tignan

Thursday, 12 April 2012

DI KA BA NANGHINAYANG

Minsan ba hindi ka nalungkot
Hindi ba naiisip ang kahapon
Bigla na lang bang Tinapon
kahit konti ba walng nabaon

Bakit saiyo parang wala lang
Mga nakaraan ganoon na lang
Kahit ba minsan di nanghinayang
Di mo man lang ba sinusulyapan?

Mga masasayang nakaraan?
Mga tawanan at ngitian
Wala ka bang pakiramdam?
O sa iba na puso nakalaan?

Kahulugan

Sabi ng iba ang iyong tunay na sarili ay hinahanap
Ngunit sa paglipas ng panahon iisa isahin ang nakalap
Pilit inaabot ang ang mga inaakalang  pangarap
Kahit gaano katagumpay parang kulang may inaantay

Sarili tulo'y tinatanong, piliit ang pagtuklas ng sagot
Ano ba talaga ang tunay na dahilan ng pagkabagot
Ito ba ay dahil, naiinip lang,  layunin walang paghugutan
Mali ba ang piniling daan, bakit andito ang kalungkutan

Napagtagumpayan ko ba ang buhay?, O nadala  at nabulag
Sa nakakahahangang hatid ng mundo, tila may nakaligtaan
Niaakalang mong  kaligayan, nagkamali at  natabunan
Mga bagay na iyong pinahalagahan,wala pa lang kahulugan



Makasariling Pag-ibig

Natutuwa sa aking  pag-iisa
Nalalango sa kalungkutang dala
Hinagpis buhat ng iyong pagsinta
Sa katauhan ko'y lason ang dala

Kailan kaya diwa  mo'y magbabago?
Pagtiwalaan ang puso ko?
Kailangan ba ikaw ang sentro?
Palaging sa'yo iikot ang mundo

 May pakakataon nga aking sinta
kailangan ko ring ang magpag-isa
HIndi dahil pagtingin  ay nanawa
Gusto lang  magkaroon ng sariling diwa

Sa pag-ibig mong buo at tapat
Ako sa iyo ay Nagpapasalamat 
Hiling lang nitong puso ay sapat
walang sobra walang angat

Pagkat sa kahit anung bagay
Di mabuti ang ang anu mang labis 
Minsan nakakasak pagkabigkis
Nakakamatay parang rabis  


Saturday, 31 March 2012

INSOMIA



Gabi, nahihimbing at tahimik ang lahat
Inaantok ngunit ang diwa ay mulat
Nakahiga naglalaro walang awat
Ang iniisip kay lalim parang dagat

Itong munting kaluluwa’y nanghihingi
Ng katahimikan sa gitna ng gabi
Ngunit gunam gunam lalong tumitindi
Dito sa imahinasyon sumasagi

INSOMIA



Gabi, nahihimbing at tahimik ang lahat
Inaantok ngunit ang diwa ay mulat
Nakahiga naglalaro walang awat
Ang iniisip kay lalim parang dagat

Itong munting kaluluwa’y nanghihingi
Ng katahimikan sa gitna ng gabi
Ngunit gunam gunam lalong tumitindi
Dito sa imahinasyon sumasagi