Natutuwa sa aking pag-iisa
Nalalango sa kalungkutang dala
Hinagpis buhat ng iyong pagsinta
Sa katauhan ko'y lason ang dala
Kailan kaya diwa mo'y magbabago?
Pagtiwalaan ang puso ko?
Kailangan ba ikaw ang sentro?
Palaging sa'yo iikot ang mundo
May pakakataon nga aking sinta
May pakakataon nga aking sinta
kailangan ko ring ang magpag-isa
HIndi dahil pagtingin ay nanawa
Gusto lang magkaroon ng sariling diwa
Sa pag-ibig mong buo at tapat
Ako sa iyo ay Nagpapasalamat
Hiling lang nitong puso ay sapat
walang sobra walang angat
Pagkat sa kahit anung bagay
Di mabuti ang ang anu mang labis
Minsan nakakasak pagkabigkis
Nakakamatay parang rabis
No comments:
Post a Comment