By: Jorgin De Jesus |
Mga lipon ng orihinal na composisyon ng may akda. Mga larawan, kwento karamihan ay tula.
Friday, 17 February 2012
Thursday, 16 February 2012
Nakalimutang Pangarap
Sa paglipas ng panahon
Sa pagbabago ng taon
Sa pagtanda ng kahapon
Andito pa rin di naglaon
Inaakalang naka-kahon
Naghihintay lang umahon
Lalabas sa pagkakataon
Pag-alis ng mga nakabaon
Natabunan na ng ilusyon
Eto lang pala ang solusyon
Ang bumalik sa tugon
Ng pusong naghahamon
Sa pagbabago ng taon
Sa pagtanda ng kahapon
Andito pa rin di naglaon
Inaakalang naka-kahon
Naghihintay lang umahon
Lalabas sa pagkakataon
Pag-alis ng mga nakabaon
Natabunan na ng ilusyon
Eto lang pala ang solusyon
Ang bumalik sa tugon
Ng pusong naghahamon
just remembering (English version) http://expressions-rajah.blogspot.com |
Wednesday, 15 February 2012
TULALA
Minsan parang wala sa hulog
Walang kibo animo tulog
Sa balintataw Lilitaw Lulubog
Sa imahinasyon Inihuhubog
Walang kibo animo tulog
Sa balintataw Lilitaw Lulubog
Sa imahinasyon Inihuhubog
Thursday, 9 February 2012
TADHANA
Nakasalalay ba ang buhay sa tadhana?
isa ka ba sa mga taong naniniwala?
walang gagawin at dito na lamag aasa
dahil nananalig sa hatid nitong hiwaga
Ang tadhana para sakin ay ibat-ibang daan
mga tatahakin na iyong pagpipilian
sa dulo may matatanaw na kayarian
nakasalalay saiyo ang kahihinatnan
Tayo ang guguhit ng ating kapalaran
tayo ang magdidikta ng dapat kalagyan
hindi man ito sakto sa ating mga plano
makukukuha rin ang dapat sa iyo
Tayo ang guguhit ng ating kapalaran
tayo ang magdidikta ng dapat kalagyan
hindi man ito sakto sa ating mga plano
makukukuha rin ang dapat sa iyo
Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
sa atin ang aksyon gabay nya ang ginhawa
walang mangyayari kung ikaw ay tutunganga
Bagkos kumilos ka ng mayroong mapala
walang mangyayari kung ikaw ay tutunganga
Bagkos kumilos ka ng mayroong mapala
Wednesday, 8 February 2012
MOKOY
Mayroon akong alaga
isang asong di mataba
Buntot niya ay mahaba
Maliit hugis ng mukha
Oo, hindi nga siya cute
mukha daw nakakacute
hindi man sya malaki
tahol naman nya'y higante
Kakaiba ang pangalan
hindi pangkaraniwan
pati gawi ay madalang
pambihira ang tawagan
Ok lang sa kanya buto
Hindi pihikan kahit ano
huwag lang daw ang damo
hindi sya adik sa kanto
Yaman syang taongbahay
maasahan isang Bantay
ang tulad nya ay kulay
sa tahimik naming buhay
SA MULING PAGKIKITA
Kung darating ang tadhanang mapaglaro
hindi sinasadsyang muling magkatagpo
ikaw ba nga ay lilingon o lalayo?
sadyang mananatiling walang kibo?
Ang sabi ng marami maliit lang ang mundo
walang permanente kundi pagbabago
ikaw ba ay mananatili sa anyo
ng iyong damdamin na galit ang bugso?
hindi sinasadsyang muling magkatagpo
ikaw ba nga ay lilingon o lalayo?
sadyang mananatiling walang kibo?
Ang sabi ng marami maliit lang ang mundo
walang permanente kundi pagbabago
ikaw ba ay mananatili sa anyo
ng iyong damdamin na galit ang bugso?
Tuesday, 7 February 2012
LASON
Isang pangitaing nakakabahala
sa una parang wala, hindi halata
katahimikan pala'y nakakasira
mga katauhan unti unting nabubura
Sa mga panahong alita'y tumatagal
di pagkikibuan lalong tigib sakdal
napapalitan ng ngisi at singhal
pagkat mga damdamin ay nabubuwal
Ano ang magiging ampat sa mga sugat
sa lason sa pagitan nito nakakaangat
paghingi ba ng tawad maaring isukat?
upang ang nagdurong puso ay maawat?
sa una parang wala, hindi halata
katahimikan pala'y nakakasira
mga katauhan unti unting nabubura
Sa mga panahong alita'y tumatagal
di pagkikibuan lalong tigib sakdal
napapalitan ng ngisi at singhal
pagkat mga damdamin ay nabubuwal
Ano ang magiging ampat sa mga sugat
sa lason sa pagitan nito nakakaangat
paghingi ba ng tawad maaring isukat?
upang ang nagdurong puso ay maawat?
Friday, 3 February 2012
KARAMDAMAN
Ang kahirapan ay tila isang karamdaman Isang karamdaman na walang ng kalunasan Isang karamdaman nagkalat sa sambayanan At itoy naka-ukit sa ating kasaysayan. Sino magpapatunay tayo’y nagyayaman Kung ang tinatamasa ay ang hapdi ng tiyan Nawa ay mabatid ng ating pamahalaan Ang tunay na sakit ng ating mga mamamayan. Mga Araw at taon nasa atin ay nagdaan Ngunit pagbabago ay di man lang maramdaman Sino nagsabi nasa tuwid na tayong daan? Kung ang mga mambabatas ay meron mga alitan. Mga pag-aaway hindi na nila maiwasan At ang mga pinuno na nagpapalaki ng tiyan Yaman ng ating bayan Kanilang kinamkam Mga pinuno ng bayan di na dapat asahan. Ang uhaw at gutom di na kaya mapapawi Kung ang mga pinuno natin lahat pakunwari Tila isang unos nasa atin ay nagdaan Itong karamdaman na nasa ating bayan. By Jorgin Dejesus |
Thursday, 2 February 2012
Nang Dahil Sa kanya
Kaibigan bakit kanagkaganyan
Iyong sarili ngayon pagmasdan
Lahat ng tao sa iyo nawalan
Dating tiwala at kabutihan
Paano ba naman iyong sinat
Dapat sya nga itong tumumtulong di ba?
ngunit bakit parang ikaw ay mag-isa
at sayo nakakpit ang iyong kapareha
Walang duda mahal mo sya
hindi naman matatangi naawa ka
lahat n nga lang iyong binigay
pati ata aso ng kapitbahay
Minsan ba sya ay natanung mo?
Tunay nga ba at walang halong biro
pagsinta ba talaga ay sadyang totoo
o andyan lang dahil may kainagan sayo?
Kung tunay nga saiyo sya ay nagaalala
bakit palaging may luha sayong mga mata
walang ginawa parati na lang aligaga
iyong isip baka ang sinta naroon sa kabila
Sa sarili mo ba ika'y walang bait
di ka ba pwedeng maghanap ng kapalit
ng taong magbibigay sayo ng daigdig
walang bahid buo ang pag-ibig?
Iyong sarili ngayon pagmasdan
Lahat ng tao sa iyo nawalan
Dating tiwala at kabutihan
Paano ba naman iyong sinat
Dapat sya nga itong tumumtulong di ba?
ngunit bakit parang ikaw ay mag-isa
at sayo nakakpit ang iyong kapareha
Walang duda mahal mo sya
hindi naman matatangi naawa ka
lahat n nga lang iyong binigay
pati ata aso ng kapitbahay
Minsan ba sya ay natanung mo?
Tunay nga ba at walang halong biro
pagsinta ba talaga ay sadyang totoo
o andyan lang dahil may kainagan sayo?
Kung tunay nga saiyo sya ay nagaalala
bakit palaging may luha sayong mga mata
walang ginawa parati na lang aligaga
iyong isip baka ang sinta naroon sa kabila
Sa sarili mo ba ika'y walang bait
di ka ba pwedeng maghanap ng kapalit
ng taong magbibigay sayo ng daigdig
walang bahid buo ang pag-ibig?
Wednesday, 1 February 2012
PEBRERO
Dalawang libo't labing dalawa na
kaybilis ng panahon bakit nga ba?
Pebrero nga ay humahalimuyak
Ang bawat puso ay puno ng galak
Mayroon ding nanaghoy umiiyak
Sila daw ay sawi at walang kabiyak
ok lang yan inday! wag umiyak
makakahanap ka rin yan ang tiyak
('_')
kaybilis ng panahon bakit nga ba?
Pebrero nga ay humahalimuyak
Ang bawat puso ay puno ng galak
Mayroon ding nanaghoy umiiyak
Sila daw ay sawi at walang kabiyak
ok lang yan inday! wag umiyak
makakahanap ka rin yan ang tiyak
('_')
Makakalimutin- Ikalawang yugto
Nalimutan ko na naman sya
Ano ba yan nakakainis na!
Naalala ko lang sya bigla
habang nasa jeep nakatulala
Bukas na lang ulit..................
sana wag maulit.....................
Ano ba yan nakakainis na!
Naalala ko lang sya bigla
habang nasa jeep nakatulala
Bukas na lang ulit..................
sana wag maulit.....................
Subscribe to:
Posts (Atom)