Friday, 3 February 2012

KARAMDAMAN


Ang kahirapan ay tila isang karamdaman
Isang karamdaman na walang ng kalunasan
Isang karamdaman nagkalat sa sambayanan
At itoy naka-ukit  sa ating kasaysayan.

Sino magpapatunay tayo’y nagyayaman
Kung ang tinatamasa ay ang hapdi ng tiyan
Nawa ay mabatid ng ating pamahalaan
Ang tunay na sakit ng ating mga mamamayan.




Mga Araw at taon nasa atin ay nagdaan
Ngunit pagbabago ay di man lang maramdaman
Sino nagsabi nasa tuwid na tayong daan?
Kung ang mga mambabatas ay meron mga alitan.

Mga pag-aaway hindi na nila maiwasan
At ang mga pinuno na nagpapalaki ng tiyan
Yaman ng ating bayan Kanilang kinamkam
Mga pinuno ng bayan di na dapat asahan.

Ang uhaw at gutom di na kaya mapapawi
Kung ang mga pinuno natin lahat pakunwari
Tila isang unos nasa atin ay nagdaan
Itong karamdaman na nasa ating bayan.

 By Jorgin Dejesus

No comments:

Post a Comment