Friday, 27 January 2012

Hanggad ko Tagumpay mo

Sa aking paglisan sa dating kinagawian
Hanggan ko lamang  sa pagtahak ng bagong  daan
Magkaiba man ang landas hangad ko'y kabutihan
Ang iyong tagumpay aking mabuting kaibigan 

Hindi ka masama, sadya lang may kakaiba
sa yong ugali minsan napagmamasdan ng iba
kahit ako nararansan ngunit pinagsasawalang bahala
nasanay na nga ganyan marahil ang wika

Batid ko nga sa labis mong gawain sobrang abala
nabibigyan din naiitulak kahit hindi na kaya
wag kalimutan timabangin ang tunay na mahalaga
dahil may mga bagay na mas importante dapat mauna

Malalim ang pagintindi ng mga tao sa paligid mo
ngunit sa sarili mo ba ito'y napagtatanto?
hindi lahat ng nilalang sa iyo makikibagay
mayroon karing bahagi sa gitna ng paglalakbay

Ang pag puna hindi dahil sa iyo'y may nagdaramdam
baka ispin may nasasabi at sa iyo'y galit lamang
may mga taong pinipili  ang katahimikan
upang walang magulo maiwasan may masaktan

Ang kausapin ka ng masinsinan ay hindi daan
hindi ka  makinig galit pinangungunahan
tandaan may roon ka rin nakilalang  ganyan
gusto mo ba maging kaisa nila at tularan?

Hindi rin kita masisi kahit ako ay may masamang ugali
wala nmn sigurong nilalang ang gusto na mailang
dadaanan na parang walang naaaninag
sa iyong harapan maglalakad na parang hangin lamang

Darating ang araw libre na ang iyong panahon
at ang mga bagay bagay sa isip aahon
mapagnilay nilayan mo na kung bakit nagkaganon
ngunit  sa  oras na iyon wala ng pagkakataon

Salamat sa lahat, pag hingi sayo ng tawad
ngunit hindi hihingin ang iyong tugon sa pagtawag
hahayaan na lang  ang sugat ay maghilom
lilipas din yan kahit pareho na tayong nalalason

kung hindi na mababalik ang dating mga ngiti
mga tawanan sa oras ng sakit at paghati
nasasaiyo ang pasya, hindi man ako masaya
wala naman akong magagawa ikaw ang bahal

Hindi hindi mabubura ang mga natutunan ko
may mga naibahagi ka na nakatulong sa pagkatao
kahit hindi mo sinasadya may mga aral na nakukuha
Ito ang bubuo nakakhigit sa pagkakakilala sa iyo

Sa oras na ang ninanaais mo ay makamit
hindi man ako maimbitahan kahit saglit
magiging maligaya ako hindi mawawaglit
pupunuin ng saya ang puso'y hindi magngingitngit

No comments:

Post a Comment