Wednesday, 11 January 2012

SARILING ATIN

Sabi nila ang paggawa ng tula
Walang kahirap hirap di ka matutulala
Ngunit pansinin mo nga minsan
Halimbawa nito mangilan ngilan n lang

Malalim na salita bihira na lang Makita
Kahit ka nga ang  mababaw na kataga
Sa panahon ngayon napagkakamalan luma
Puro kasi inglesh minsan pa nga tag-lish

Mayroon na ring pa ngang gay- lingo
Slang ang iba wala na sa diktionario
Panahon kasi ngayon talagang kakaiba
Sariling atin nawawala na

Hindi nmn ako makata o kakaiba ang dila
Hindi rin nmn ako isang taong makabansa
Pag walang magawa Iniisip ko lang
Sa upuan  napagninilay nilayan

Hindi si Gat Jose Rizal Idol ko
Mali Ka rin kung si Balagtas ang  hula mo
Sino pa bang sikat ang alam mo?
Basta si Sir Viola lang ang Kilala ko

Kung pamilyar  sa  taong nabanggit
Malamang sa parehong skwelahan tayo nangulit
Kung saan ay Hindi ko na babangitin
Hayaan  manaliksik ang iba  sa pagkabitin.

No comments:

Post a Comment