Nag tula ay mabisang paraan
SA pagpapahayag ng kaisipan
Sa paglikha saiyo nahihirapan
Nagtatanong ang karamihan
Apat ang mga salik itong tula
Huling pantig ng huling salita
Ang bawat taludtod dapat TUGMA
Magkasing tunog mga kataga
Ang bilang ng pantig ay may SUKAT
Salita’y MARIKIT, may halina ang angat
MATALINGHAGA may lalim di mawatasan
Katangian dapat angkin
Sa pangkaraniwang tulad ko
Sapat na mailawarana ng husto
Nag diwa na galing dito sa puso
Laan kung sino man ang babasa nito
Kahit minsan nakakaligtaan
Apat na sangkap na dapat tandaan
Ang mahalaga ay naiintindahan
Di nalalayo sa orihinal na kaanyuan
No comments:
Post a Comment