Tuesday, 17 January 2012

PAG-SUBOK

Pagod at hapo minsan sa buhay  ating nararamdaman
pagtalikod at pagsuko dumarating sa isispan
kahit sa pagtulog may pakakataongmapanaginipan
Ninanais sana sa pagising mapagtagumpayan

Alisn ang agam agam, ang  sarili pagtiwalaan
Pagsubok lang yan di maglalaon malalampasan
mapait man ngayon ang daang  nilalakaran
sa huli naman mayroong  tamis na matitikman

Gaano man kabigat ang nasa iyong balikat
pumikit pansumandadi at saiyong pagmulat
harapin ng  buong lakas, pag-asa iyong iangat
ang paggaan na lang nito iyong ikagugulat 

Sa buhay natin hindi lahat puro kapighatian
kung madalas malas  man ang iyong nararanasan
bakit hindi yumoko manalangin sa kaitaasan
upang ikaw pagtibayin at kaluluwa ay gabayan 

Ulit ulit mo man ang pagtangis  at iyong pag-iyak
lakas mo lamang ang mauubos iyan ang tiyak 
gamitin mo ng wasto at wag basta basta ilalagak
Huwag hayaan ang luha ay  palagiang   pumatak

Babaguhin ka ng lubos  ng mapagbirong panahon
hindi mo lang alam ito ay isang pagkakataon
upang mabuo ang isang natatanging pagkatao
na sinubok at pinatabay ng mga hamon sa mundo

Oras mo rin ay bigla na lamang darating
sa iyong  sarili mapapbulong at babanggitin
pagkatapos ng unos, SALAMAT ang bibigkasin
sapagkat nanatiling nakatayo tapang ang dadamhin

Kahihinatnan man ay hindi naayon sa kalooban
mabuti man o masama kahit anu pa man yan
manatiling aral sa sarili wag paghinayangan
Karanasan ay pahalgahan gawing kayamanan

No comments:

Post a Comment