Friday 27 January 2012

Lapis at Papel

Tanggan ko palagi isang lapis na panulat
kadalasan ang emosyon sa papel sinusulat
dito ko nailalahad damdamin di maisiwalat
upang maibsan kung anu man hapdi nitong sugat

Minsan kung ako ay maligaya dito nakatala
kapag natutuwa ay  naisasalaysay ng kusa 
upang maiLabas saloobin kahit hindi makata
matalik na kaibigan kapag nag-iisa walang magawa

No comments:

Post a Comment