Friday 27 January 2012

SIMPLENG PANGARAP

Mayroon akong gustong puntahan
sa wari ko'y dapat kong kalagyan
isang lugar makikita kung saan
munting pangarap simula pa man

Isang pagkakaton marahil sa iba
sadyang simple at walang halaga
ngunit may mga taong tumitingila
Bagong bayani ang bansag nila

Isang marangal at puno ng puso
May layuning tunay at totoo

upang makatulong makabuo
di lang ng pangarap ko pati sa iyo

Linagin ang isipan ng musmos
paunlarin kaalaman lubos
itatak ang mga mabuting utos
upangang  katauhan mapuspos

Hindi ba kay gandang isipin
nabuhay kang loob ay butihin
mawala ka man dito sa  mundo
turo mo'y maiiwan sa mga ito

5 comments:

  1. Thanks, Ang tagal ko na rin di nagsusulat ng tula :-)

    ReplyDelete
  2. Hi po Ms. Michelle M..pde po ba kita maInterview sa akda mong Simpleng Pangarap.? Salamat po sa tugon

    ReplyDelete