Mahirap maniwala at tumugon sa tama
Kung sa paligid mo ay mali ang ginagawa
Pangkaraniwan na ang mga salita't kataga
"Ganun talaga wala na tayong magagawa"
Sa sarili naitanong, kailangan bang sumabay
O kaya may tapang salubungin ang kilay
Maging bayani di kilala o bangkay
Dahil sa kinagawian maraming sumasakay
Hindi ko man kayang baguhin ang sistema
Kaya ko rin naman di maging bahagi diba?
Dahil sa sarili alam ko, may ibang paraan
Kahit maging iba, wag lang maging tulad nila
Mga lipon ng orihinal na composisyon ng may akda. Mga larawan, kwento karamihan ay tula.
Friday, 25 May 2012
Monday, 16 April 2012
BIGLA NA LANG
Nagulat ako ng marinig at malaman
Kayong dalawa ay nagkatuluyan
Sa loob ng maraming taon
Bigla na lang nagkalimutan
Wala bang alaala sa iyo naiwan
Bakit kaya may taong ganito
Akala mo kilala ang pagkatao
Hindi pala parang balat kayo
O hindi lang talaga kabisado
Kung pano pagiisip ay tumatakbo
May mga katanungan naglalaro
Sa tuwing maghihiwalay ang puso
may mga kaparehang malilito
ilang beses man kulitin at alamin
Sadyang may pusong sinungaling
Ngayon natutunan sa nakaraan
Sadyang may mga katanungan
Mukhang lihim ayaw iapaalam
Hindi lang pansin kung meron man
Andyan na pala nasaiyo ng harapan
Nagbubulagbulagan ayaw mong tignan
Kayong dalawa ay nagkatuluyan
Sa loob ng maraming taon
Bigla na lang nagkalimutan
Wala bang alaala sa iyo naiwan
Bakit kaya may taong ganito
Akala mo kilala ang pagkatao
Hindi pala parang balat kayo
O hindi lang talaga kabisado
Kung pano pagiisip ay tumatakbo
May mga katanungan naglalaro
Sa tuwing maghihiwalay ang puso
may mga kaparehang malilito
ilang beses man kulitin at alamin
Sadyang may pusong sinungaling
Ngayon natutunan sa nakaraan
Sadyang may mga katanungan
Mukhang lihim ayaw iapaalam
Hindi lang pansin kung meron man
Andyan na pala nasaiyo ng harapan
Nagbubulagbulagan ayaw mong tignan
Thursday, 12 April 2012
DI KA BA NANGHINAYANG
Minsan ba hindi ka nalungkot
Hindi ba naiisip ang kahapon
Bigla na lang bang Tinapon
kahit konti ba walng nabaon
Bakit saiyo parang wala lang
Mga nakaraan ganoon na lang
Kahit ba minsan di nanghinayang
Di mo man lang ba sinusulyapan?
Mga masasayang nakaraan?
Mga tawanan at ngitian
Wala ka bang pakiramdam?
O sa iba na puso nakalaan?
Hindi ba naiisip ang kahapon
Bigla na lang bang Tinapon
kahit konti ba walng nabaon
Bakit saiyo parang wala lang
Mga nakaraan ganoon na lang
Kahit ba minsan di nanghinayang
Di mo man lang ba sinusulyapan?
Mga masasayang nakaraan?
Mga tawanan at ngitian
Wala ka bang pakiramdam?
O sa iba na puso nakalaan?
Kahulugan
Sabi ng iba ang iyong tunay na sarili ay hinahanap
Ngunit sa paglipas ng panahon iisa isahin ang nakalap
Pilit inaabot ang ang mga inaakalang pangarap
Kahit gaano katagumpay parang kulang may inaantay
Sarili tulo'y tinatanong, piliit ang pagtuklas ng sagot
Ano ba talaga ang tunay na dahilan ng pagkabagot
Ito ba ay dahil, naiinip lang, layunin walang paghugutan
Mali ba ang piniling daan, bakit andito ang kalungkutan
Napagtagumpayan ko ba ang buhay?, O nadala at nabulag
Sa nakakahahangang hatid ng mundo, tila may nakaligtaan
Niaakalang mong kaligayan, nagkamali at natabunan
Mga bagay na iyong pinahalagahan,wala pa lang kahulugan
Ngunit sa paglipas ng panahon iisa isahin ang nakalap
Pilit inaabot ang ang mga inaakalang pangarap
Kahit gaano katagumpay parang kulang may inaantay
Sarili tulo'y tinatanong, piliit ang pagtuklas ng sagot
Ano ba talaga ang tunay na dahilan ng pagkabagot
Ito ba ay dahil, naiinip lang, layunin walang paghugutan
Mali ba ang piniling daan, bakit andito ang kalungkutan
Napagtagumpayan ko ba ang buhay?, O nadala at nabulag
Sa nakakahahangang hatid ng mundo, tila may nakaligtaan
Niaakalang mong kaligayan, nagkamali at natabunan
Mga bagay na iyong pinahalagahan,wala pa lang kahulugan
Makasariling Pag-ibig
Natutuwa sa aking pag-iisa
Nalalango sa kalungkutang dala
Hinagpis buhat ng iyong pagsinta
Sa katauhan ko'y lason ang dala
Kailan kaya diwa mo'y magbabago?
Pagtiwalaan ang puso ko?
Kailangan ba ikaw ang sentro?
Palaging sa'yo iikot ang mundo
May pakakataon nga aking sinta
May pakakataon nga aking sinta
kailangan ko ring ang magpag-isa
HIndi dahil pagtingin ay nanawa
Gusto lang magkaroon ng sariling diwa
Sa pag-ibig mong buo at tapat
Ako sa iyo ay Nagpapasalamat
Hiling lang nitong puso ay sapat
walang sobra walang angat
Pagkat sa kahit anung bagay
Di mabuti ang ang anu mang labis
Minsan nakakasak pagkabigkis
Nakakamatay parang rabis Saturday, 31 March 2012
INSOMIA
Gabi, nahihimbing at tahimik ang lahat
Inaantok ngunit ang diwa ay mulat
Nakahiga naglalaro walang awat
Ang iniisip kay lalim parang dagat
Itong munting kaluluwa’y nanghihingi
Ng katahimikan sa gitna ng gabi
Ngunit gunam gunam lalong tumitindi
Dito sa imahinasyon sumasagi
INSOMIA
Gabi, nahihimbing at tahimik ang lahat
Inaantok ngunit ang diwa ay mulat
Nakahiga naglalaro walang awat
Ang iniisip kay lalim parang dagat
Itong munting kaluluwa’y nanghihingi
Ng katahimikan sa gitna ng gabi
Ngunit gunam gunam lalong tumitindi
Dito sa imahinasyon sumasagi
Friday, 16 March 2012
SA ISIPAN
Minsan ang buhay magulo mahiwaga
May oras akala mo ikaw ang tama
Akala mo myr0on yun pala wala
Isip ng isip di naman mahalaga
Di napapansin palaki ang problema
Pilit ang paglayo hinabol ka naman
kahit halata na nga pinagtataguan
O baka naman yan lang ang nasa isipan
Di mo napapansin sa paglalarawan
imahinasyon ika'y napaglalaruan
Friday, 2 March 2012
Bugso ng Damdamin
Minsan bumibitiw dahil sa galit
Hindi ninanais na makakasakit
Sa oras na may maling nasambit
Sa oras na may maling nasambit
Hindi na mababawi kahit anung pilit
Lalo na kung puso ang nasugatan
Patawad parang hindi napakikingan
Mga salita di na napagiisipan
Sa bandang huli ang kahihinatnan
Mga damadamin naiiwang sugatan
Thursday, 1 March 2012
Naisip kita BIgla -KAIBIGAN
Natandaan mo ba noong tayo magkasama
Kapag sa kalsada sabay mga tayong pumapara
Naghahanap masasakyan kahit pa punuan
Kahit minsan sa loob wala ng upuan, siksikan
Kapag rally at walang mga jeep na matatagpuan
Sabay pa rin ang lakad kahit sapatos mabutikan
Kahit nga baha natututong suongin lakbayin
Lalo kapag maulan, isang payong ang tangan
Sa lahat ng pinagdaanan, nakakatuwang tignan
Maliit na pagsubok bakit kaya di nakayanan
Anu kayang pumipigil sa damdamin upang balikan
Ang mabuti at masayang pagkakaibigan?
Kapag sa kalsada sabay mga tayong pumapara
Naghahanap masasakyan kahit pa punuan
Kahit minsan sa loob wala ng upuan, siksikan
Kapag rally at walang mga jeep na matatagpuan
Sabay pa rin ang lakad kahit sapatos mabutikan
Kahit nga baha natututong suongin lakbayin
Lalo kapag maulan, isang payong ang tangan
Sa lahat ng pinagdaanan, nakakatuwang tignan
Maliit na pagsubok bakit kaya di nakayanan
Anu kayang pumipigil sa damdamin upang balikan
Ang mabuti at masayang pagkakaibigan?
Friday, 17 February 2012
Thursday, 16 February 2012
Nakalimutang Pangarap
Sa paglipas ng panahon
Sa pagbabago ng taon
Sa pagtanda ng kahapon
Andito pa rin di naglaon
Inaakalang naka-kahon
Naghihintay lang umahon
Lalabas sa pagkakataon
Pag-alis ng mga nakabaon
Natabunan na ng ilusyon
Eto lang pala ang solusyon
Ang bumalik sa tugon
Ng pusong naghahamon
Sa pagbabago ng taon
Sa pagtanda ng kahapon
Andito pa rin di naglaon
Inaakalang naka-kahon
Naghihintay lang umahon
Lalabas sa pagkakataon
Pag-alis ng mga nakabaon
Natabunan na ng ilusyon
Eto lang pala ang solusyon
Ang bumalik sa tugon
Ng pusong naghahamon
![]() |
just remembering (English version) http://expressions-rajah.blogspot.com |
Wednesday, 15 February 2012
TULALA
Minsan parang wala sa hulog
Walang kibo animo tulog
Sa balintataw Lilitaw Lulubog
Sa imahinasyon Inihuhubog
Walang kibo animo tulog
Sa balintataw Lilitaw Lulubog
Sa imahinasyon Inihuhubog
Thursday, 9 February 2012
TADHANA
Nakasalalay ba ang buhay sa tadhana?
isa ka ba sa mga taong naniniwala?
walang gagawin at dito na lamag aasa
dahil nananalig sa hatid nitong hiwaga
Ang tadhana para sakin ay ibat-ibang daan
mga tatahakin na iyong pagpipilian
sa dulo may matatanaw na kayarian
nakasalalay saiyo ang kahihinatnan
Tayo ang guguhit ng ating kapalaran
tayo ang magdidikta ng dapat kalagyan
hindi man ito sakto sa ating mga plano
makukukuha rin ang dapat sa iyo
Tayo ang guguhit ng ating kapalaran
tayo ang magdidikta ng dapat kalagyan
hindi man ito sakto sa ating mga plano
makukukuha rin ang dapat sa iyo
Nasa Diyos ang awa nasa tao ang gawa
sa atin ang aksyon gabay nya ang ginhawa
walang mangyayari kung ikaw ay tutunganga
Bagkos kumilos ka ng mayroong mapala
walang mangyayari kung ikaw ay tutunganga
Bagkos kumilos ka ng mayroong mapala
Wednesday, 8 February 2012
MOKOY
Mayroon akong alaga
isang asong di mataba
Buntot niya ay mahaba
Maliit hugis ng mukha
Oo, hindi nga siya cute
mukha daw nakakacute
hindi man sya malaki
tahol naman nya'y higante
Kakaiba ang pangalan
hindi pangkaraniwan
pati gawi ay madalang
pambihira ang tawagan
Ok lang sa kanya buto
Hindi pihikan kahit ano
huwag lang daw ang damo
hindi sya adik sa kanto
Yaman syang taongbahay
maasahan isang Bantay
ang tulad nya ay kulay
sa tahimik naming buhay
SA MULING PAGKIKITA
Kung darating ang tadhanang mapaglaro
hindi sinasadsyang muling magkatagpo
ikaw ba nga ay lilingon o lalayo?
sadyang mananatiling walang kibo?
Ang sabi ng marami maliit lang ang mundo
walang permanente kundi pagbabago
ikaw ba ay mananatili sa anyo
ng iyong damdamin na galit ang bugso?
hindi sinasadsyang muling magkatagpo
ikaw ba nga ay lilingon o lalayo?
sadyang mananatiling walang kibo?
Ang sabi ng marami maliit lang ang mundo
walang permanente kundi pagbabago
ikaw ba ay mananatili sa anyo
ng iyong damdamin na galit ang bugso?
Tuesday, 7 February 2012
LASON
Isang pangitaing nakakabahala
sa una parang wala, hindi halata
katahimikan pala'y nakakasira
mga katauhan unti unting nabubura
Sa mga panahong alita'y tumatagal
di pagkikibuan lalong tigib sakdal
napapalitan ng ngisi at singhal
pagkat mga damdamin ay nabubuwal
Ano ang magiging ampat sa mga sugat
sa lason sa pagitan nito nakakaangat
paghingi ba ng tawad maaring isukat?
upang ang nagdurong puso ay maawat?
sa una parang wala, hindi halata
katahimikan pala'y nakakasira
mga katauhan unti unting nabubura
Sa mga panahong alita'y tumatagal
di pagkikibuan lalong tigib sakdal
napapalitan ng ngisi at singhal
pagkat mga damdamin ay nabubuwal
Ano ang magiging ampat sa mga sugat
sa lason sa pagitan nito nakakaangat
paghingi ba ng tawad maaring isukat?
upang ang nagdurong puso ay maawat?
Friday, 3 February 2012
KARAMDAMAN
Ang kahirapan ay tila isang karamdaman Isang karamdaman na walang ng kalunasan Isang karamdaman nagkalat sa sambayanan At itoy naka-ukit sa ating kasaysayan. Sino magpapatunay tayo’y nagyayaman Kung ang tinatamasa ay ang hapdi ng tiyan Nawa ay mabatid ng ating pamahalaan Ang tunay na sakit ng ating mga mamamayan. Mga Araw at taon nasa atin ay nagdaan Ngunit pagbabago ay di man lang maramdaman Sino nagsabi nasa tuwid na tayong daan? Kung ang mga mambabatas ay meron mga alitan. Mga pag-aaway hindi na nila maiwasan At ang mga pinuno na nagpapalaki ng tiyan Yaman ng ating bayan Kanilang kinamkam Mga pinuno ng bayan di na dapat asahan. Ang uhaw at gutom di na kaya mapapawi Kung ang mga pinuno natin lahat pakunwari Tila isang unos nasa atin ay nagdaan Itong karamdaman na nasa ating bayan. By Jorgin Dejesus |
Thursday, 2 February 2012
Nang Dahil Sa kanya
Kaibigan bakit kanagkaganyan
Iyong sarili ngayon pagmasdan
Lahat ng tao sa iyo nawalan
Dating tiwala at kabutihan
Paano ba naman iyong sinat
Dapat sya nga itong tumumtulong di ba?
ngunit bakit parang ikaw ay mag-isa
at sayo nakakpit ang iyong kapareha
Walang duda mahal mo sya
hindi naman matatangi naawa ka
lahat n nga lang iyong binigay
pati ata aso ng kapitbahay
Minsan ba sya ay natanung mo?
Tunay nga ba at walang halong biro
pagsinta ba talaga ay sadyang totoo
o andyan lang dahil may kainagan sayo?
Kung tunay nga saiyo sya ay nagaalala
bakit palaging may luha sayong mga mata
walang ginawa parati na lang aligaga
iyong isip baka ang sinta naroon sa kabila
Sa sarili mo ba ika'y walang bait
di ka ba pwedeng maghanap ng kapalit
ng taong magbibigay sayo ng daigdig
walang bahid buo ang pag-ibig?
Iyong sarili ngayon pagmasdan
Lahat ng tao sa iyo nawalan
Dating tiwala at kabutihan
Paano ba naman iyong sinat
Dapat sya nga itong tumumtulong di ba?
ngunit bakit parang ikaw ay mag-isa
at sayo nakakpit ang iyong kapareha
Walang duda mahal mo sya
hindi naman matatangi naawa ka
lahat n nga lang iyong binigay
pati ata aso ng kapitbahay
Minsan ba sya ay natanung mo?
Tunay nga ba at walang halong biro
pagsinta ba talaga ay sadyang totoo
o andyan lang dahil may kainagan sayo?
Kung tunay nga saiyo sya ay nagaalala
bakit palaging may luha sayong mga mata
walang ginawa parati na lang aligaga
iyong isip baka ang sinta naroon sa kabila
Sa sarili mo ba ika'y walang bait
di ka ba pwedeng maghanap ng kapalit
ng taong magbibigay sayo ng daigdig
walang bahid buo ang pag-ibig?
Wednesday, 1 February 2012
PEBRERO
Dalawang libo't labing dalawa na
kaybilis ng panahon bakit nga ba?
Pebrero nga ay humahalimuyak
Ang bawat puso ay puno ng galak
Mayroon ding nanaghoy umiiyak
Sila daw ay sawi at walang kabiyak
ok lang yan inday! wag umiyak
makakahanap ka rin yan ang tiyak
('_')
kaybilis ng panahon bakit nga ba?
Pebrero nga ay humahalimuyak
Ang bawat puso ay puno ng galak
Mayroon ding nanaghoy umiiyak
Sila daw ay sawi at walang kabiyak
ok lang yan inday! wag umiyak
makakahanap ka rin yan ang tiyak
('_')
Makakalimutin- Ikalawang yugto
Nalimutan ko na naman sya
Ano ba yan nakakainis na!
Naalala ko lang sya bigla
habang nasa jeep nakatulala
Bukas na lang ulit..................
sana wag maulit.....................
Ano ba yan nakakainis na!
Naalala ko lang sya bigla
habang nasa jeep nakatulala
Bukas na lang ulit..................
sana wag maulit.....................
Tuesday, 31 January 2012
MAKAKALIMUTIN
Ano nga ba yun?.. Nasa dulo na ng dila
Andito sa isang lugar lubos ang pagtataka
Ang gagawin di maisip di na maalala
Kulang kasi sa tuon palaging abala
Di naman matanda madalas makalimutan
mga bagay mayroong nakakaligtaan
minsan tuloy ang sarili nasasabihan
Eto ba'y dulot ng isang katangahan
Ang blog ko nga dapat ipapaskil
ngayong araw sa isipin ay nawaglit
ang kodigo sa papel sa kama naipit
hindi tuloy nailagay sa lupon ng pilit
Bukas na nga lang aalalahin ko at isasaisip!
Andito sa isang lugar lubos ang pagtataka
Ang gagawin di maisip di na maalala
Kulang kasi sa tuon palaging abala
Di naman matanda madalas makalimutan
mga bagay mayroong nakakaligtaan
minsan tuloy ang sarili nasasabihan
Eto ba'y dulot ng isang katangahan
Ang blog ko nga dapat ipapaskil
ngayong araw sa isipin ay nawaglit
ang kodigo sa papel sa kama naipit
hindi tuloy nailagay sa lupon ng pilit
Bukas na nga lang aalalahin ko at isasaisip!
Monday, 30 January 2012
Naiinis Ako - Problemang hindi pwedeng ilahad sa mundo
Gusto kong mapag-isa at umiyak
ngunit walan luhang pumapatak
sana buhay hiling maging payak
ng hindi nalilito hindi pumapalpak
Hindi ko gusto itong nararamdam
hindi mapakali palaging lutang
maraming pumapasok sa hinagam
wala nmn makitang kasagutan
Takot sa mundo.naiinis nalilito
bakit pa kasi may darating na ganito
hindi ba pwedeng lahat na lang OO
para mapalagay na lang Loob ko
ngunit walan luhang pumapatak
sana buhay hiling maging payak
ng hindi nalilito hindi pumapalpak
Hindi ko gusto itong nararamdam
hindi mapakali palaging lutang
maraming pumapasok sa hinagam
wala nmn makitang kasagutan
Takot sa mundo.naiinis nalilito
bakit pa kasi may darating na ganito
hindi ba pwedeng lahat na lang OO
para mapalagay na lang Loob ko
Friday, 27 January 2012
Dahan Dahan sa Puso ko
Marami ng minahal inibig
Lahat sila bukang bibig
Hinding hindi magsasawa
Damdamin hindi mag-iiba
Ngunit hindi lahat tinutupad
hanggang salita lang lahat
Pinaniwala upang hindi malantad
ang pagsinta pala ay huwad
Marami ng pinagdaanan
Mga pughating pinagmulan
Wag magtaka kung nahihrapan
Ang puso ika'y pagtiwalaan
Darating din ang panahon
Mga pangamba ibabaon
Hayaan mong sugat ay maghilom
Sa tabi ko wag kang lilingon
Mahal kita ngunit nahihirapan
sana ako ay iyong tulungan
Tunay na sarili wag pabulaan
pagpapakatoo lang ang kailangan
Lahat sila bukang bibig
Hinding hindi magsasawa
Damdamin hindi mag-iiba
Ngunit hindi lahat tinutupad
hanggang salita lang lahat
Pinaniwala upang hindi malantad
ang pagsinta pala ay huwad
Marami ng pinagdaanan
Mga pughating pinagmulan
Wag magtaka kung nahihrapan
Ang puso ika'y pagtiwalaan
Darating din ang panahon
Mga pangamba ibabaon
Hayaan mong sugat ay maghilom
Sa tabi ko wag kang lilingon
Mahal kita ngunit nahihirapan
sana ako ay iyong tulungan
Tunay na sarili wag pabulaan
pagpapakatoo lang ang kailangan
Ang Sakit sa BANGS!- Pangalawang yugto magkaibigan walang kibo
Ang mga tao kadalasan magkakaiba ang gusto
sa mga ayaw na bagay hindi rin parepareho
may pagkakataon bang pupunta sa isang punto
di magkakaunwaaan at maag-aaway kayo
Ganyan siguro ang malalapit na magkakaibigan
Tama, totoo masakit talaga sa Bangs!
lalo pa kung mayroong ugali itong isa
mas matayog pa sa lipad ng saranggola ego nya
Mas malupet kapag nagkaton pareho sila
mataas ang pride paano nga ba?
bakit sa ibang banda napakukumpara
kung pwede nmn parehas magpakumbaba
Aalis na nga lang wala pang kibuan
sampung taong pagsasama wawala lang
matagal na kitang kilala kaibigan
init ng ulo sana wag paimbabawan
Alam mo naman cellphone number ko
Account ng facebook friends parin tayo
E mail mo lang ako paminsan minsan
Sa Messenger na lang magkulitan
Yaan ay kung iyong hahayaan................
KAIBIGAN
sa mga ayaw na bagay hindi rin parepareho
may pagkakataon bang pupunta sa isang punto
di magkakaunwaaan at maag-aaway kayo
Ganyan siguro ang malalapit na magkakaibigan
Tama, totoo masakit talaga sa Bangs!
lalo pa kung mayroong ugali itong isa
mas matayog pa sa lipad ng saranggola ego nya
Mas malupet kapag nagkaton pareho sila
mataas ang pride paano nga ba?
bakit sa ibang banda napakukumpara
kung pwede nmn parehas magpakumbaba
Aalis na nga lang wala pang kibuan
sampung taong pagsasama wawala lang
matagal na kitang kilala kaibigan
init ng ulo sana wag paimbabawan
Alam mo naman cellphone number ko
Account ng facebook friends parin tayo
E mail mo lang ako paminsan minsan
Sa Messenger na lang magkulitan
Yaan ay kung iyong hahayaan................
KAIBIGAN
Hanggad ko Tagumpay mo
Sa aking paglisan sa dating kinagawian
Hanggan ko lamang sa pagtahak ng bagong daan
Magkaiba man ang landas hangad ko'y kabutihan
Ang iyong tagumpay aking mabuting kaibigan
Hindi ka masama, sadya lang may kakaiba
sa yong ugali minsan napagmamasdan ng iba
kahit ako nararansan ngunit pinagsasawalang bahala
nasanay na nga ganyan marahil ang wika
Batid ko nga sa labis mong gawain sobrang abala
nabibigyan din naiitulak kahit hindi na kaya
wag kalimutan timabangin ang tunay na mahalaga
dahil may mga bagay na mas importante dapat mauna
Malalim ang pagintindi ng mga tao sa paligid mo
ngunit sa sarili mo ba ito'y napagtatanto?
hindi lahat ng nilalang sa iyo makikibagay
mayroon karing bahagi sa gitna ng paglalakbay
Ang pag puna hindi dahil sa iyo'y may nagdaramdam
baka ispin may nasasabi at sa iyo'y galit lamang
may mga taong pinipili ang katahimikan
upang walang magulo maiwasan may masaktan
Ang kausapin ka ng masinsinan ay hindi daan
hindi ka makinig galit pinangungunahan
tandaan may roon ka rin nakilalang ganyan
gusto mo ba maging kaisa nila at tularan?
Hindi rin kita masisi kahit ako ay may masamang ugali
wala nmn sigurong nilalang ang gusto na mailang
dadaanan na parang walang naaaninag
sa iyong harapan maglalakad na parang hangin lamang
Darating ang araw libre na ang iyong panahon
at ang mga bagay bagay sa isip aahon
mapagnilay nilayan mo na kung bakit nagkaganon
ngunit sa oras na iyon wala ng pagkakataon
Salamat sa lahat, pag hingi sayo ng tawad
ngunit hindi hihingin ang iyong tugon sa pagtawag
hahayaan na lang ang sugat ay maghilom
lilipas din yan kahit pareho na tayong nalalason
kung hindi na mababalik ang dating mga ngiti
mga tawanan sa oras ng sakit at paghati
nasasaiyo ang pasya, hindi man ako masaya
wala naman akong magagawa ikaw ang bahal
Hindi hindi mabubura ang mga natutunan ko
may mga naibahagi ka na nakatulong sa pagkatao
kahit hindi mo sinasadya may mga aral na nakukuha
Ito ang bubuo nakakhigit sa pagkakakilala sa iyo
Sa oras na ang ninanaais mo ay makamit
hindi man ako maimbitahan kahit saglit
magiging maligaya ako hindi mawawaglit
pupunuin ng saya ang puso'y hindi magngingitngit
Hanggan ko lamang sa pagtahak ng bagong daan
Magkaiba man ang landas hangad ko'y kabutihan
Ang iyong tagumpay aking mabuting kaibigan
Hindi ka masama, sadya lang may kakaiba
sa yong ugali minsan napagmamasdan ng iba
kahit ako nararansan ngunit pinagsasawalang bahala
nasanay na nga ganyan marahil ang wika
Batid ko nga sa labis mong gawain sobrang abala
nabibigyan din naiitulak kahit hindi na kaya
wag kalimutan timabangin ang tunay na mahalaga
dahil may mga bagay na mas importante dapat mauna
Malalim ang pagintindi ng mga tao sa paligid mo
ngunit sa sarili mo ba ito'y napagtatanto?
hindi lahat ng nilalang sa iyo makikibagay
mayroon karing bahagi sa gitna ng paglalakbay
Ang pag puna hindi dahil sa iyo'y may nagdaramdam
baka ispin may nasasabi at sa iyo'y galit lamang
may mga taong pinipili ang katahimikan
upang walang magulo maiwasan may masaktan
Ang kausapin ka ng masinsinan ay hindi daan
hindi ka makinig galit pinangungunahan
tandaan may roon ka rin nakilalang ganyan
gusto mo ba maging kaisa nila at tularan?
Hindi rin kita masisi kahit ako ay may masamang ugali
wala nmn sigurong nilalang ang gusto na mailang
dadaanan na parang walang naaaninag
sa iyong harapan maglalakad na parang hangin lamang
Darating ang araw libre na ang iyong panahon
at ang mga bagay bagay sa isip aahon
mapagnilay nilayan mo na kung bakit nagkaganon
ngunit sa oras na iyon wala ng pagkakataon
Salamat sa lahat, pag hingi sayo ng tawad
ngunit hindi hihingin ang iyong tugon sa pagtawag
hahayaan na lang ang sugat ay maghilom
lilipas din yan kahit pareho na tayong nalalason
kung hindi na mababalik ang dating mga ngiti
mga tawanan sa oras ng sakit at paghati
nasasaiyo ang pasya, hindi man ako masaya
wala naman akong magagawa ikaw ang bahal
Hindi hindi mabubura ang mga natutunan ko
may mga naibahagi ka na nakatulong sa pagkatao
kahit hindi mo sinasadya may mga aral na nakukuha
Ito ang bubuo nakakhigit sa pagkakakilala sa iyo
Sa oras na ang ninanaais mo ay makamit
hindi man ako maimbitahan kahit saglit
magiging maligaya ako hindi mawawaglit
pupunuin ng saya ang puso'y hindi magngingitngit
Lapis at Papel
Tanggan ko palagi isang lapis na panulat
kadalasan ang emosyon sa papel sinusulat
dito ko nailalahad damdamin di maisiwalat
upang maibsan kung anu man hapdi nitong sugat
Minsan kung ako ay maligaya dito nakatala
kapag natutuwa ay naisasalaysay ng kusa
upang maiLabas saloobin kahit hindi makata
matalik na kaibigan kapag nag-iisa walang magawa
kadalasan ang emosyon sa papel sinusulat
dito ko nailalahad damdamin di maisiwalat
upang maibsan kung anu man hapdi nitong sugat
Minsan kung ako ay maligaya dito nakatala
kapag natutuwa ay naisasalaysay ng kusa
upang maiLabas saloobin kahit hindi makata
matalik na kaibigan kapag nag-iisa walang magawa
SIMPLENG PANGARAP
Mayroon akong gustong puntahan
sa wari ko'y dapat kong kalagyan
isang lugar makikita kung saan
munting pangarap simula pa man
Isang pagkakaton marahil sa iba
sadyang simple at walang halaga
ngunit may mga taong tumitingila
Bagong bayani ang bansag nila
Isang marangal at puno ng puso
May layuning tunay at totoo
upang makatulong makabuo
di lang ng pangarap ko pati sa iyo
Linagin ang isipan ng musmos
paunlarin kaalaman lubos
itatak ang mga mabuting utos
upangang katauhan mapuspos
Hindi ba kay gandang isipin
nabuhay kang loob ay butihin
mawala ka man dito sa mundo
turo mo'y maiiwan sa mga ito
sa wari ko'y dapat kong kalagyan
isang lugar makikita kung saan
munting pangarap simula pa man
Isang pagkakaton marahil sa iba
sadyang simple at walang halaga
ngunit may mga taong tumitingila
Bagong bayani ang bansag nila
Isang marangal at puno ng puso
May layuning tunay at totoo
upang makatulong makabuo
di lang ng pangarap ko pati sa iyo
Linagin ang isipan ng musmos
paunlarin kaalaman lubos
itatak ang mga mabuting utos
upangang katauhan mapuspos
Hindi ba kay gandang isipin
nabuhay kang loob ay butihin
mawala ka man dito sa mundo
turo mo'y maiiwan sa mga ito
Thursday, 26 January 2012
SAAN NGA BA?
SA KABILA NG KALUNGKUTAN
SA BIGAT NG NARARAMDAMAN
SA HAPDI NITONG KALOOBAN
MAY PAG-ASA KAYANG DADATNAN?
MAY SAGIP BA SA KASAWIAN
SA MGA PUSO NA NAGDARAMDAM
MAY MATATAGPUAN BANG KANLUNGAN
DITO SA GITNA NG KAGULUHAN?
SAAN BA DAPAT PATUTUNGO
SAAN PAPAROO'T MAGTAGO
MAKATAKAS SA SOBRANG LITO
NANG PUMAYAPA ITONG PUSO?
SA BIGAT NG NARARAMDAMAN
SA HAPDI NITONG KALOOBAN
MAY PAG-ASA KAYANG DADATNAN?
MAY SAGIP BA SA KASAWIAN
SA MGA PUSO NA NAGDARAMDAM
MAY MATATAGPUAN BANG KANLUNGAN
DITO SA GITNA NG KAGULUHAN?
SAAN BA DAPAT PATUTUNGO
SAAN PAPAROO'T MAGTAGO
MAKATAKAS SA SOBRANG LITO
NANG PUMAYAPA ITONG PUSO?
Wednesday, 25 January 2012
Kumawala
Gusto ko umalis at Lumipad
sa kalawakan doon mapadpad
pumaroon sa ulap at sumadsad
magtago sa lahat ng di malantad
Sa lalim ng dagat maglakbay
Sa alon ng tubig sumakay
Ng maalis ang munting lumbay
Sa puso ko’y walang kapantay
Magpunta sa kagubatan
Maghanap ng bagong kaibigan
Kausapin mumunting halaman
Sa mga hayop magkaalaman
Marahil sa tunay na mundo
gusto lang kumawala yan ang totoo
sa mga taong nakakalito balatkayo
sa pagkat sa kanila mahirap makitungo
Thursday, 19 January 2012
LINLANG
Hindi ko ko lang alam
kung isa kang mangmang
May pinagaralan naturingan
ngunit walang pinkagkatandaan
Turo ng magulang
sa kahit kanino man
Huwag kang magpaparatang
Ito'y asal na di kagandahan
Kung sa iyong paligid
tiwala ay buong lingid
Ikay magiingat mabuti
Baka sa dulo magsisi
Ang taong inaakala mo
na tapat at iyong katokayo
sya ang traydor na balat kayo
magingat baka mali ang maituro
Tuesday, 17 January 2012
BAKIT HINDI MO PAGMASDAN
Alam kong wala akong pakialam
Upang buhay nyo panghimasukan
Alam kong wala akong karapatan
sabihan kang isang walang kwentang nilalang
pero maari ko n mang ipagsigawan
paumanhin at may tao kang nasaktan
maaring puso mo nga’y sugatan
sa tingin mo ba ikaw lang ang luhaan?
sa iyong ginawa hindi mo ba alam
syang ay lubhang nagdaramdam
o talagang puso mo’y batong kay tigas
sariling pagpapahalaga sobrang taas?
kung sya’y gusto pang magbalik
bakit hindi subukang gawing pilit?
Magpakumbaba Iyo bang magagawa?
O di kaya lakas ng loob sayo’y wala?
Kahit kailan ba iyong nasubukan
Ikaw nmn ang matapakan
Marahil takot ka ngang maranasan
Gawain mo’y baka ikay balikan
Tayong lahat ay may pangarap
Hindi lang ikaw ang gustong umahon sa hirap
Pero may kayamanan bang maitatapat
Matagpuan ang pag-ibig na tapat?
Minsan ikay hindi naging tapat
Anupa’t patawad sayo’y inilapat
Kahit na pilit na itago’t ipagkaila
Pikit matang tinanggap kang walang sala
Sayo ginoo hindi lingid sa kaalam ko
Kung pagkakaibigan ay Malabo
Maaring namn payapain ang puso
Magkahiwalay ang sugat ay maghilom
Marahil mahirap lang tanggapin
Hindi lahat ng iyong minahal ay ganun din
Hindi pantay ang pag-ibig ng isa
Maaring kulang o ang iba ay sosobra
Ngunit pwede mo na mang pagmasdan
Mga panyayari sukatin at itimbang
Patuloy k pa ring bang magmamahal
O palayain ang sarili, sumaya at limigaya?
Upang buhay nyo panghimasukan
Alam kong wala akong karapatan
sabihan kang isang walang kwentang nilalang
pero maari ko n mang ipagsigawan
paumanhin at may tao kang nasaktan
maaring puso mo nga’y sugatan
sa tingin mo ba ikaw lang ang luhaan?
sa iyong ginawa hindi mo ba alam
syang ay lubhang nagdaramdam
o talagang puso mo’y batong kay tigas
sariling pagpapahalaga sobrang taas?
kung sya’y gusto pang magbalik
bakit hindi subukang gawing pilit?
Magpakumbaba Iyo bang magagawa?
O di kaya lakas ng loob sayo’y wala?
Kahit kailan ba iyong nasubukan
Ikaw nmn ang matapakan
Marahil takot ka ngang maranasan
Gawain mo’y baka ikay balikan
Tayong lahat ay may pangarap
Hindi lang ikaw ang gustong umahon sa hirap
Pero may kayamanan bang maitatapat
Matagpuan ang pag-ibig na tapat?
Minsan ikay hindi naging tapat
Anupa’t patawad sayo’y inilapat
Kahit na pilit na itago’t ipagkaila
Pikit matang tinanggap kang walang sala
Sayo ginoo hindi lingid sa kaalam ko
Kung pagkakaibigan ay Malabo
Maaring namn payapain ang puso
Magkahiwalay ang sugat ay maghilom
Marahil mahirap lang tanggapin
Hindi lahat ng iyong minahal ay ganun din
Hindi pantay ang pag-ibig ng isa
Maaring kulang o ang iba ay sosobra
Ngunit pwede mo na mang pagmasdan
Mga panyayari sukatin at itimbang
Patuloy k pa ring bang magmamahal
O palayain ang sarili, sumaya at limigaya?
Sayang
Minsan talaga mabigat sa dibdib
magkaroon ng taong kagalit
lalo pa kung sa iyo sobrang malapit
tapos bigla bigla na lang susungit
Sayo naman ayaw magdamdam
minsan lang kasi nasososbrahan
pagkabugnutin o kaibigan
Chill ka lang! init ng ulo bawasan
Alam ko maraming pinagdadaanan
kaya ka nga mayroong masasabihan
ngunit hindi para pagbuntunan
masamang pakiramdam at kalooban
Sama ng loob pwedeng hingahan
pakiusap wag mo lang pag-iinitan
Hindi nmn ako yung laruan
na pwede mong lang pagtaasan
Ngunit pilit na mang uunawin
kahit paminsan mahirap gawin
ngunit sa isipan wag iwagwaglit
lahat ng tao may hangganan din
magkaroon ng taong kagalit
lalo pa kung sa iyo sobrang malapit
tapos bigla bigla na lang susungit
Sayo naman ayaw magdamdam
minsan lang kasi nasososbrahan
pagkabugnutin o kaibigan
Chill ka lang! init ng ulo bawasan
Alam ko maraming pinagdadaanan
kaya ka nga mayroong masasabihan
ngunit hindi para pagbuntunan
masamang pakiramdam at kalooban
Sama ng loob pwedeng hingahan
pakiusap wag mo lang pag-iinitan
Hindi nmn ako yung laruan
na pwede mong lang pagtaasan
Ngunit pilit na mang uunawin
kahit paminsan mahirap gawin
ngunit sa isipan wag iwagwaglit
lahat ng tao may hangganan din
PAG-SUBOK
Pagod at hapo minsan sa buhay ating nararamdaman
pagtalikod at pagsuko dumarating sa isispan
kahit sa pagtulog may pakakataongmapanaginipan
Ninanais sana sa pagising mapagtagumpayan
Alisn ang agam agam, ang sarili pagtiwalaan
Pagsubok lang yan di maglalaon malalampasan
mapait man ngayon ang daang nilalakaran
sa huli naman mayroong tamis na matitikman
Gaano man kabigat ang nasa iyong balikat
pumikit pansumandadi at saiyong pagmulat
harapin ng buong lakas, pag-asa iyong iangat
ang paggaan na lang nito iyong ikagugulat
Sa buhay natin hindi lahat puro kapighatian
kung madalas malas man ang iyong nararanasan
bakit hindi yumoko manalangin sa kaitaasan
upang ikaw pagtibayin at kaluluwa ay gabayan
Ulit ulit mo man ang pagtangis at iyong pag-iyak
lakas mo lamang ang mauubos iyan ang tiyak
gamitin mo ng wasto at wag basta basta ilalagak
Huwag hayaan ang luha ay palagiang pumatak
Babaguhin ka ng lubos ng mapagbirong panahon
hindi mo lang alam ito ay isang pagkakataon
upang mabuo ang isang natatanging pagkatao
na sinubok at pinatabay ng mga hamon sa mundo
Oras mo rin ay bigla na lamang darating
sa iyong sarili mapapbulong at babanggitin
pagkatapos ng unos, SALAMAT ang bibigkasin
sapagkat nanatiling nakatayo tapang ang dadamhin
Kahihinatnan man ay hindi naayon sa kalooban
mabuti man o masama kahit anu pa man yan
manatiling aral sa sarili wag paghinayangan
Karanasan ay pahalgahan gawing kayamanan
pagtalikod at pagsuko dumarating sa isispan
kahit sa pagtulog may pakakataongmapanaginipan
Ninanais sana sa pagising mapagtagumpayan
Alisn ang agam agam, ang sarili pagtiwalaan
Pagsubok lang yan di maglalaon malalampasan
mapait man ngayon ang daang nilalakaran
sa huli naman mayroong tamis na matitikman
Gaano man kabigat ang nasa iyong balikat
pumikit pansumandadi at saiyong pagmulat
harapin ng buong lakas, pag-asa iyong iangat
ang paggaan na lang nito iyong ikagugulat
Sa buhay natin hindi lahat puro kapighatian
kung madalas malas man ang iyong nararanasan
bakit hindi yumoko manalangin sa kaitaasan
upang ikaw pagtibayin at kaluluwa ay gabayan
Ulit ulit mo man ang pagtangis at iyong pag-iyak
lakas mo lamang ang mauubos iyan ang tiyak
gamitin mo ng wasto at wag basta basta ilalagak
Huwag hayaan ang luha ay palagiang pumatak
hindi mo lang alam ito ay isang pagkakataon
upang mabuo ang isang natatanging pagkatao
na sinubok at pinatabay ng mga hamon sa mundo
sa iyong sarili mapapbulong at babanggitin
pagkatapos ng unos, SALAMAT ang bibigkasin
sapagkat nanatiling nakatayo tapang ang dadamhin
Kahihinatnan man ay hindi naayon sa kalooban
mabuti man o masama kahit anu pa man yan
manatiling aral sa sarili wag paghinayangan
Karanasan ay pahalgahan gawing kayamanan
Friday, 13 January 2012
Awit ng Pag-ibig
Ang pag-ibig ko ay isang awit
isang katanungan sa isip di mawaglit
Marahi ang Pag-ibig ay tila isang himig
Itong aking damdamin na minsan di batid
Minsan kaligayahan o pighati
Hatid nang aking puso'y tila umaawit
Salamat sa isang taong nabigay ng himig
ng awir sa king puso'y kay sarap namnamin
Mga katagang MAHAL KITA ay isang musika
Sa tuwing sinsambit aking puso'y sumasaya
Mga yakap at halik na syang aking tinatamasa
Mula sayo aking mahal kahirapan di alintana
Naway Makasama ka hanggang sa pagtanda
Ito'y aking panalangin sa lahat ng bathala
Nang sagano'y itong aking pusoy di na mabahala
Ang Pag-ibig ang lumikha sa awit
Ang awit o himig ay sya din aking iniibig
San iyong madama itong himig ng puso
Pagkat sayo lamang ihahandog ang awit ng puso
isang katanungan sa isip di mawaglit
Marahi ang Pag-ibig ay tila isang himig
Itong aking damdamin na minsan di batid
Minsan kaligayahan o pighati
Hatid nang aking puso'y tila umaawit
Salamat sa isang taong nabigay ng himig
ng awir sa king puso'y kay sarap namnamin
Mga katagang MAHAL KITA ay isang musika
Sa tuwing sinsambit aking puso'y sumasaya
Mga yakap at halik na syang aking tinatamasa
Mula sayo aking mahal kahirapan di alintana
Naway Makasama ka hanggang sa pagtanda
Ito'y aking panalangin sa lahat ng bathala
Nang sagano'y itong aking pusoy di na mabahala
Ang Pag-ibig ang lumikha sa awit
Ang awit o himig ay sya din aking iniibig
San iyong madama itong himig ng puso
Pagkat sayo lamang ihahandog ang awit ng puso
Thursday, 12 January 2012
Malungkot ako kaibigan
Akala mo lang madali ang ganito
hindi mo lang alam mahirap din walang kibo
wala satin ang mauuna yan ang tiyak ko
magkaibigan nga parehas mataas ang ego
Marahil may kabutihan din madudulot
basta pagdadamdam wag hahaluan ng puot
sa pananahimik wag lang makakalimot
malapit lang ako matatanaw sa palibot
hindi mo lang alam mahirap din walang kibo
wala satin ang mauuna yan ang tiyak ko
magkaibigan nga parehas mataas ang ego
Marahil may kabutihan din madudulot
basta pagdadamdam wag hahaluan ng puot
sa pananahimik wag lang makakalimot
malapit lang ako matatanaw sa palibot
Wednesday, 11 January 2012
SARILING ATIN
Sabi nila ang paggawa ng tula
Walang kahirap hirap di ka matutulala
Ngunit pansinin mo nga minsan
Halimbawa nito mangilan ngilan n lang
Malalim na salita bihira na lang Makita
Kahit ka nga ang mababaw na kataga
Sa panahon ngayon napagkakamalan luma
Puro kasi inglesh minsan pa nga tag-lish
Mayroon na ring pa ngang gay- lingo
Slang ang iba wala na sa diktionario
Panahon kasi ngayon talagang kakaiba
Sariling atin nawawala na
Hindi nmn ako makata o kakaiba ang dila
Hindi rin nmn ako isang taong makabansa
Pag walang magawa Iniisip ko lang
Sa upuan napagninilay nilayan
Hindi si Gat Jose Rizal Idol ko
Mali Ka rin kung si Balagtas ang hula mo
Sino pa bang sikat ang alam mo?
Basta si Sir Viola lang ang Kilala ko
Kung pamilyar sa taong nabanggit
Malamang sa parehong skwelahan tayo nangulit
Kung saan ay Hindi ko na babangitin
Hayaan manaliksik ang iba sa pagkabitin.
Wednesday, 4 January 2012
TULA TULA PAANO KA GINAWA
Nag tula ay mabisang paraan
SA pagpapahayag ng kaisipan
Sa paglikha saiyo nahihirapan
Nagtatanong ang karamihan
Apat ang mga salik itong tula
Huling pantig ng huling salita
Ang bawat taludtod dapat TUGMA
Magkasing tunog mga kataga
Ang bilang ng pantig ay may SUKAT
Salita’y MARIKIT, may halina ang angat
MATALINGHAGA may lalim di mawatasan
Katangian dapat angkin
Sa pangkaraniwang tulad ko
Sapat na mailawarana ng husto
Nag diwa na galing dito sa puso
Laan kung sino man ang babasa nito
Kahit minsan nakakaligtaan
Apat na sangkap na dapat tandaan
Ang mahalaga ay naiintindahan
Di nalalayo sa orihinal na kaanyuan
Subscribe to:
Posts (Atom)